Sunday 14 October 2012

blog views problem

Ok it seems my blog has a problem..0 views?what?I've been blogging now for years and I let my friends visit my blog..but what?now it's back to 0?

Friday 12 October 2012

Pusit cooking disaster

Yesterday I just cooked Pusit..
and it was really bad!grrr!
I suppose to cook it for my dad because it's his favorite..
I thought I should only cook it the way it was..
but I was wrong..I should cut it first..
huhuh
dad can't eat because he has brittle teeth and wont able to eat it..because it's big for him

I'm sorry dad

Wednesday 10 October 2012

Our anniversary



On October 22 my boyfriend and I will celebrate our 2nd anniversary..
kinda get excited because of this picture..I asked him maybe we could rent a bike and go biking around MOA and watch fireworks after?
If there is..a bike and a fireworks on Sundays..

Right words for me?


Found this photo at my tumblr..is Anna Steele in 40 Shades of Gray and Bella of Twilight thought of this?
If they do..pls let me know..I quite need an inspiration..

is currently listening to this

sweet^^


Monday 8 October 2012

Just realized that my blog is a bit flowery don't you think?LOL!
ok just posted a blog yesterday..its been years when I last posted..well a bit busy this few days because of thesis..well as you know I'm graduating..

anyway feeling kinda "ungrateful" today?

well here's the story..after our presentation in thesis(my professor gave us a heart whelming comment--different story). Our professor gave us an evaluation sheet for us to evaluate our classmates. Well three of my classmates gave all of us perfect score(they agreed upon). And they were expecting me to give the same. Yesterday my classmates saw my evaluation to them and got angry about it(he saw it because..i think my professor let him?I'm not sure--but I'm quite sure that he saw it). Then txt messages flooded my phone saying things that I wasn't fair--well first thing I just gave the grade they deserve..and I think they don't have a write to get angry since they only helped bits of the paper..but they helped..

that's the story of my ungratefulness today..so what do you think?should I get angry to them?Is what their doing now(getting angry--thinking that I'm unfair?) is right?

Sunday 7 October 2012

Mga Mangingisda ng Butong Taal Batangas


          Isa na siguro ang Batangas sa pinakahinahangaan kong probinsya na pinuntahan. Bukod sa kanilang di kalimot-limot na ganda ng tanawin, payapang lugar at sariwang pagkain. Hindi ko malilimot ang kanilang mga kaugalian na siya naman ay tunay na hanga-hanga.
            Apat na araw lang kami nakipagpananayam sa mga mangingisda ng Butong Taal Batangas ngunit ang pagdating namin ay hindi namin inaasahan ganito ang kanilang salubong. Pagdating namin sa bahay ng tito ng aking kaklase ay hinandugan agad nila kami ng mga pagkain na tunay ngang sa Batangas lamang matitikman tulad ng “maniputo” ang mahal na isda na nagkakahalagang 500 kada piraso sapagkat ito’y malaki, masarap, sariwa, at tunay na sa Butong lamang nakukuha. Hindi ko naman malilimutan ang “tapang Batangas” sapagkat di tulad ng tapa sa Maynila na para sa akin ay matamis-tamis doon ay malinamnam kaya siguro ay nakatatlong plato agad ako sa araw na iyon dahil sa sarap nito. Matapos ang tanghalian ay hinandugan naman nila kami ng kakaibang kakanin. Ang hindi ko malilimutang kakanin dun ay ang “tamales” kung saan hindi tulad ng kakanin sa Maynila iyon ay may itlog na pula sa loob. May karne pa ata iyon kung hindi ako nagkakamali.
            Unang araw pa lamang naming doon ngunit hindi ko agad malilimutan ang kanilang magiliw na pagtanggap sa amin. Matapos nito ay nagpasya na kaming pumunta sa bahay ng mangingisda kung saan ay makikipagpanayam kami. Si Ate Merly ay tunay na matulungin tinulungan niya kami puntahan at pinakilala niya kami sa mga mangingisda at pamilya nito. Inalok muli nila kami ng pagkain ngunit kami ay nakakain na kaya ay tumanggi na lamang kami ito ay naintindihan naman nila.
            Sa ikalawang araw ay sasama kami sa paglaot ng mga mangingisda Baybayan Lake ba iyon kung hindi ako nagkakamali. Ito ang kalapit na tubigan sa Butong. Halos hindi ako makahinga ng kami ni Ara ay sumakay na sa Bangka ni Mang Rogelio. Wala kaming ibang sandata kung sakaling malunod kundi ang panalangin. Hindi ganoon kapamahiin si Mang Rogelio ngunit wala rin daw siyang panahon magsimba. Nakakatuwang isipin ang kanilang mga pamahiin na nikuwento niya sa amin habang kami ay na sa laot. Ayon sa kaniya ang turo ng mga matatanda huwag daw lalaot ng may baong itlog sapagkat ikaw ay maaring umuwing “bokya” sa paghuli ng isda. Kapag bagong bili lang daw ng iyong Bangka ay buhusan daw ito ng lugaw para ay swertehin at madulas sa tubig. Kapag ikaw daw ay hindi nakilala ng iyong kasama bago lumaot ay huwag ka ng tumuloy sa paglaot sapagkat ikaw ay maaring madisgrasya. Huwag ka na rin daw tumuloy kung nagbilin ang sino man sa iyong pamilya tulad ng pambili ng kung ano-ano sapagkat ay wala kang mahuhuli. Tinatawanan lamang lahat ito ni Mang Rogelio ngunit hindi niya kinakaila na ginagawa niya ito sa paggalang na lamang sa matatanda. Ngunit hindi pa rin daw siya naniniwala rito sapagkat mas malakas ang kapangyarihan ng dasal ayon sa kanya. Nagkahiwalay-hiwalay kaming mga magkakaklase sa paglaot at hindi maganda ang huli ng araw na iyon dahil halos lahat ng sinamahan naming mangingisda ay walang halos huli.
            Sa ikatlong araw ay maaga kami gumising upang pumunta at makitungo sa pamilya ng mga mangingisda. Hindi man sila sang-ayon ay tumulong pa rin kami sa kanilang gawaing bahay. Tunay na hindi maalis sa kanila ang masugid nilang pagtanggap sa mga bisita. Nais naming tumanggi sa kanilang alok na pagkain ngunit kami ay hinandugan pa rin nila ng pagkain para sa tanghalian. Doon lamang namin natikman ang lutong Batangas kay sarap ng kanilang mungo, sariwang dalagang bukid, at isda na tanging sa taal lamang mahuhuli. Tunay akong humanga sa kanilang pagtutulungan upang paghandaan kami ng pagkain. Laking gulat ko ng may mga nasa lima ng tao ang nagluluto sa bahay ni Ate Liberty kung saan siya lamang ang nakatira at ang kanyang tatlong kapatid na lalakeng puro mangingisda.
            Matapos ang tanghalian ay nakipagkwentuhan kami sa kanila. Tulad ng hindi inaasahan ay dumami rin ang matatandang aming kakwentuhan nagsimula ito sa dalawang matatanda na aming kakwentuhan hanggang sila ay nagging anim. Lahat sila ay puro mga asawa ng mga mangingisda. Naikwento nila sa amin ang kanilang mga paniniwala. Ayon sa kanila noong pumuntok daw ang bulkan Taal ay halos lumubog ang Butong sa lakas ng hagupit ng dagat at walang tigil na pagulan ng putik sa kanilang bayan. Ngunit tumigil ito ng nakita nila sa kalangitan ang Mahal na Birhen at ang kanilang patron na si San Pedro. Lahat ay napatingin dito at naluha. Hindi lamang daw dun nagkahimala sa Butong. Ng nagkakagulo ang mga tao sa laki ng mga alon ay huminahon ito ng dumaan ang isang lalakeng nakapula na nakasakay sa kabayo. Ayon sa kanila ito raw si San Martin isa sa kanilang patron at tagabantay nila. Hindi masusukat ang tindi ng pananampalataya ng mga taga-Butong. Ayon sa kanila matindi at tapat sa kanila ang kanilang patron na si San Martin sapagkat sa ibang bayan ng Butong ay patuloy ang trahedya. Kaya naman ay tuwing pista ay pinagdidiwang nila ang mga ito. Tunay na napatotoo ang kanilang sinabi ng ako mismo ay nakaramdam ng milagro ng kami ay lumaot noon. Walang telebisyon o radio na kaming papakinggan ng nasa laot kami kaya hindi namin alam kung magiging ligtas ba ang aming paglaot. Ngunit ng matapos ang aming paglaot ay napagalaman namin na signal no. 1 pala noon sa Batangas at delikadong lumaot. Dahil sa kanilang matinding pananalig ay hindi namin ito naramdaman.
            Patapos na ang pananaliksik sa mga mangingisda ng Butong ngunit hindi na namin pinalagpas ang pagkakataon puntahan ang kanilang parokya na ayon sa kanila ay nasa pangangalaga ni Fr. Suarez doon namin nakita ang mga imahen ng mga santo na kanilang kinukwento. Ngunit agaw pansin sa akin ang isang maliit na birhen doon. Tinanong ko ito sa tito ng aking kasama sa pag-aaral. Ayon sa kanya iyon ang sikat na Birheng Caysasay. Ito raw ay nabingguit ng isang mangingisdang Intsik matagal na panahon na. Maraming milagro na rin itong nagawa sa kanilang bayan tulad ng pagiba ng direksyon ng hangin upang maiwasan ng bayan ang malakas na hagupit ng tubig. Nakita na rin daw itong nagliliwanag ng gumagawa ng himala.
Tunay na malalim ang pananampalataya  ng mga taga- Butong Taal Batangas. Bukod sa kanilang masugid na pagtanggap, pagtititwala, kakaibang lakas ng loob, pagpapakumbaba, pagkamatulungin, ay tunay na kayamanan nila ang kanilang pananalig sa Poong Maykapal. May iba’t iba man silang pamahiin ngunit mas umiiral sa kanila ang tiwala sa Diyos. Hinding hindi ko makakalimutan ang pananaliksik na ito sapagkat dito lamang ako nakakilala ng mga taong ganito.

                     Me wearing light violet:)