Tuesday 18 October 2011

Our script for our Living Rosary Presentation...For God be the Glory :)


LIVING ROSARY SCRIPT
LIGHT OF THE YOUTH COMMUNITY

Ang mga Misteryo ng Luwalhati
Ang pagkabuhay muli ni Hesukristo
Narrator:

Sa pagtatapos ng Sabat, magbubukang-liwayway na sa unang araw ng linggo. Si Maria na taga-Magdala at ang isang Maria ay dumating upang tingnan ang libingan.


 Narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit. Pumunta siya sa libingan at iginulong ang bato papalayo sa bukana ng libingan at umupo sa ibabaw nito. Ang anyo niya ay parang kidlat. Ang damit niya ay kasimputi ng niyebe. Dahil sa takot sa anghel, ang mga bantay ay nanginig at naging parang mga patay.
Anghel:
Huwag kayong matakot sapagkat alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala siya rito. Ito ay sapagkat nabuhay na siya ayon sa sinabi niya. Halikayo at tingnan ninyo ang dakong pinaghigaan sa Panginoon.
Ang pag-akyat sa langit ni Hesukristo
Maria na taga-Magdala at Maria:
Si Jesus ay muling nabuhay! (kinukumbinsi ang mga apostol habang ito’y ginagawa ay tumayo si Jesus sa gitna nila.)
Jesus:
Kapayapaan ang sumainyo.
Narrator:
Sa kanilang pagkasindak at pagkatakot, inakala nilang nakakita sila ng isang espiritu.
Jesus:
Bakit kayo naguguluhan? Bakit kayo nagkakaroon ng mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ang mga ito ay nagpapatunay na ako ito. Hipuin ninyo ako at tingnan. Ang espiritu ay walang laman at buto tulad ng nakikita ninyo sa akin.
(Pagkatapos niyang magsalita, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. Ngunit hindi sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha.)
Jesus:
Mayroon ba kayong anumang makakain dito?
(Binigyan nila siya ng bahagi ng inihaw na isda at pulot. Pagkakuha niya, kumain siya sa harapan nila.)
Jesus:
Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.
(ang mga apostol ay nagtinginan at tumingin kay Jesus)
Jesus:
Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.
 (si Jesus ay tumayo)
Narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama. Ngunit manatili kayo sa lungsod ng Jerusalem hanggang kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.
 Narrator:
Dinala sila ni Jesus hanggang sa Betania. Doon ay itinaas niya ang kaniyang mga kamay at pinagpala sila. At nangyari, habang pinagpapala niya sila, na siya ay nahiwalay sa kanila at dinalang paitaas sa langit.  
(Ang mga apostol ay lumuhod habang nakatingin kay Jesus)
Ang pagpanaog ng Diyos Espiritu Santo sa mga Apostoles at sa Mahal na Birhen
Narrator:

Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nasa iisang pook na nagkakaisa.
Sila ay nakaupo sa loob ng isang bahay. Biglang may umugong mula sa langit tulad ng humahagibis na marahas na hangin at pinuno nito ang buong bahay. May nagpakita sa kanila na nagkakabaha-bahaging mga dila tulad ng apoy at ito ay lumapag sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ibinigay ng Espiritu sa kanila na kanilang sasabihin.

(Magkakasama ang mga apostol na nakaupo biglang nagkagulo ng narinig ang tunog ng pagugong at malakas na hangin. Silay tumayo at kumilos ng kakaiba matapos bumababa ang Espiritu Santo sa kanila.)

Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen

Maria:

Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mga dakilang bagay at Banal ang kaniyang pangalan.

(Ang mga gumaganap rito ay si Maria lamang at ang mga apostol. Si Maria ay nakahiga at ang mga apostol ay nakaluhod palibot niya at nagdarasal. Ng siya’y biglang bumangon, umupo at tumayo. Ang mga apostol ay nabighani ang iba ay napaluha)

Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen

(Si Maria ay lumapit sa isang upuan at inalalayan ng mga anghel at siya’y pinutungan ng corona)

Reference:

http://www.ourladyweb.com/mary-rosary-glorious.html
http://katoliko.org/ang-santo-rosaryo-text/
http://www.biblegateway.com/passage/?search=Rev%2012,1&version=SND
http://www.hail-mary-rosaries.com/Fourth-Glorious-Mystery.html

Actors(sa tingin ko lang ito ha)

Narrator-?
Jesus- Kuya Joon
Mary- Kim
Mary Magdalene-Wella
Apostles
1. Seline
2. Dikei
3. Christine
4. Juliene
5. Jessa
6. Kuya Kris
7. Ethel
8. Ellaine
9. Ate Poneve
10.Wileene
11. Eugene
12. Jesther
NOTE: Guys hindi pa talaga ito yun...need an editor...paedit naman...salamat!
for God's glory! :)

No comments:

Post a Comment